Coffee Break (Monthly Report) / isyu ng Hulyo 2024

Marshall Elliott Ginsler Viner Exchange Coordinator

Mga pagdiriwang (Fiesta) ng Canada sa buwan ng Hulyo,Experience sa paggawa ng mga sweets.

Magandang araw po,Ito po si Marshall Elliott Ginsler Viner mula sa Sagamihara International Lounge,Dumating na ang panahon ng tag-araw, Kamusta naman po ang lahat,

Ano ang naiisip mo kapag narinig mo ang salitang July? Tanabata Festival ba o Fireworks ? Sa Canada ay mayroon ding Fireworks sa buwan ng Hulyo.Ang ika-1 ng Hulyo ay Araw ng Canada (Ingles: Canada Day, French: Fête du Canada),ito ang National Foundation Day,ang araw ng pagkakatatag ng Canada.Ito ay nagsimula noong ika-1 ng Hulyo , 1867, ang kolonya noong panahong iyon ay naging isang teritoryong may sariling pamamahala na tinatawag na Canada.Taun-taon sa araw ng Canada Day, bilang karagdagan sa mga Fireworks, mayroong mga food stall at music performances sa buong bansa na lumilikha ng isang masayang kapaligiran sa pagdiriwang.Ang Calgary Stampede Festival ay isang rodeo event na ginaganap tuwing Hulyo sa Canada sa Calgary,Alberta.Isa itong masiglang festival na ginaganap sa loob ng sampung (10) araw na nagtatampok ng mga rodeo, parada, konsiyerto, expo, at iba pa.

Noong ika-6 ng Hulyo ,Sabado,Nagdaos kami ng event na tinatawag na Canada Lecture: Sweets Making Experience "Let's Make Nanaimo Bars'' sa Onokita Community Center.Ipinakilala namin ang Nanaimo bar, isang matamis na nagmula sa Canada, may (15) labinlimang magulang, bata, matanda na taga lungsod ang lumahok,at lahat sila ay sama-samang ginawa ito.Ang lahat ng mga kalahok ay nasiyahan sa paggawa at gayundin sa pagkain nito .

Ang mainit na mga araw ay patuloy parin,Ingatan ang iyong mga kalusugan.